heart & soul
Feel na feel ko yung episode ng GGV kagabe. Kakileg! Kasama ko pa naman yung mga parents ko habang nanunuod. Kinikilig daw ako sabi ni mama? Hmm. Totoo naman. Ang swerte lang nung babaeng kinantahan nina Daniel at Khalil (tama ba spelling?) at sinayawan pa ni Enrique!
Ang dami ko pang tawa pag sinasabi ni vice “inlove na agad?! PBB TEENS?! PBB TEENS?!” Hahaha. Lagi ko kayang pinapanood yung PBB Teens na yan tuwing gabe. Ang gwapo kasi ni Tom. Ang ganda ganda talaga ng mata niya. Ang landi ko! PBB TEENS?! PBB TEENS?! Chotchot lang. lol
Badtrip talaga ako sa pagbabyahe kanina. Sobrang init sa loob ng jeep, tapos uulan bigla! Tapos kahit hindi na kasya, pinagsisiksikan pa nung driver “kanan pa! kanan pa!” Lagi nalang. Siksik na siksik na tuloy ako.
Pag naman may nagaabot ng bayad ayaw abutin ni manong driver. Halos nasigaw na yung nag aabot ng bayad eh. Ganun din pag may bababa, kailangan yung iba mag papara din para lang ihinto yung jeep. Nalampasan na tuloy yung talagang bababaan ng bababa. Kung mag preno pa, kala mo wala ng bukas.
Yung police pa nagaasikaso ng trapik at ng tawiran, nagtetext pa. Hindi tuloy kami makatawid. Ayaw pa naman magpadaanan nung mga sasakyan. Kala niyo nagmamadali eh. Lol.
Lahat na pinansin ko. haha. chichichi<3
Naalala ko pala kanina sa National Bookstore. Kukuha kasi ako ng tape eh may bata dun nakaharang sa kukunin ko, binaba ko yung basket medyo napalakas lol malakas talaga parang binagsak ko eh. Buti nalang konti yung mga tao, tapos natakot yata sakin yung bata. Haha. Alis siya agad eh. Hindi ko namang intensyon. Hindi pa ako nagsorry dun sa mga nabulabog. Tinamad ako eh. Parang wala lang. Haha.
Nakapamili na ako ng mga notebooks at ng kung ano ano pang chuchu na kailangan sa pasukan. Excited nanay ko eh. Ayun, muntik ng mawalan ng pamasahe. Kulang baman ang dalang pera.
Nakita ko si “moves like jagger”. Yung mga nakakakilala dyan. Shhh lang kayo. Haha. Ayun gwapo. Syempre kinwento ko sa mga nahagilap kong kaibigan. Alam nyo na ang sinabi nila “Ang landi mo!”. Minsan lang naman mg chuchu. :) Tapos sabi pa ni friend1 bakit ko daw iniisip hanggang ngayon? Sabi ko naman, “Bastos kasi siya bigla bigla nalang pumapasok sa isip ko”. Lol.
MY OVARIES ARE LYING ON THE FLOOR OH MY GOD
(Source: tomlinsonsnation, via womanhid)
Pang 17 beses ko na ni lologin yung account ko sa twitter di ko mabuksan. Nagpapanic na ako’t lahat, tapos naalala ko nagpalit pala ako ng username.
Nakakaewan na nakakakileg yung panaginip ko. Haha! Napaniginipan ko ba baman yung gwapong koreano tsaka si kimpoy! Lupet no? hahaha. Ang swerti swerti ko! hihihi. Chot lang. Para kasi silang baliw dun. Ang haba ng hair ko. xD Ayaw ko pa sanang bumangon dahil gusto ko pa ngang ituloy kaso yung alarm clock ng kapitbahay ayaw patayin. Ayun! Wala na akong naggawa kundi ang bumangon di na rin kase ako makaulog ulit. lol.

Sya po ang napaniginipan kong koreano! :”“> ahahahaha. Shet lang. <3 Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya napaniginipan. Baka naman kase meant to be kame? O.o Chot lang! hahahaha. Ang pogi pogi niya talaga. xD Papaniginipan ulit kita mamaya. Promise!!! HAHAHAHAHA.
Paki-patay naman po nung alarm clock nyo, rinig hanggang dito samen eh. =__=
(Source: magpapakatino, via denissaur)
Yung gwapo ba sa twitter na si.. hihi :”) artista o sikat lang talaga siya? lol. Mga tumatakbo sa isip ko oh! hahahaha